Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Navotas mayor kinondena pagpugot sa traffic enforcer

0 253

Labis ang poot na naramdaman ni Navotas City Mayor Toby Tiangco kasunod ng insindente ng pagpugot at pagsilid pa sa ice box ng ulo isang traffic enforcer sa lungsod, na iniwan sa Sta. Cruz, Maynila.

Sa pahayag ni Tiangco, dapat ay agarang mahuli ng pulisya ang sangkot sa karumal-dumal na pagpaslang kay Oliver Ignacio, na isa ring Navy reservist.

“I condemn in the strongest possible terms the murder of Oliver Ignacio, one of the City’s traffic enforcers,” lahad ni Tiangco. “I urge our law enforcement officers to capture the perpetrators soon. This senseless disregard for human life should be meted out with the punishment it deserves.”

Nakiramay pa ang alkalde sa pamilya ng biktima.

Nadiskubre ng dalawang tricycle driver ang ulo ng biktima nitong Huwebes ng gabi. Ayon sa pinsan ni Ignacio, dinukot ang traffic enforcer sa Navotas impounding area bago natagpuan ang bangkay nito. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.