Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Navy chief: Cafgu bantay sa West PH Sea

0 112

Magpapadala ng mga maritime militia sa West Philippine Sea (WPS) ang Philippine Navy para tumulong protektahan ang territorial waters ng bansa.

Sinabi ni Flag Officer in Command Vice Admiral Giovanni Carlo Bacordo na ang maritime Cafgu Active Auxiliary (CAA) ay matagal nang meron at buhay.

“When I was in naval forces Western Mindanao way back in 2013, 2014, 2016, we already have the maritime CAAs in Western Mindanao and also in Eastern Mindanao,” sabi ni Bacordo.

Katulad din lang umano ito sa konsepto ng Cafgu na katuwang ng mga tropa ng Philippine Army.

Paliwanag ni Bacordo, ang maritime militia ay maaring magtagal sa isang lugar sa mas matagal na panahon.(Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.