Abante Tonite Interactive

NAVY INAMBUS NG ARMY

By
Napadukwang si Ara Galang (6) ng F2 Logistics para iwasang masagasaan ang napasubsob na kakamping si Nicole Macandili. Tinalo ng Cargo Movers ang Generika, 25-12, 25-15, 25-18, para saluhan ang Petron at RC Cola-Army sa top spot ng Superliga All-Filipino. (Jhay Jalbuna)
4

Ginawang tuntungan ng RC Cola-Army ang 25-23, 25-19, 25-14 pananambang sa Standard Insurance-Navy para makibuhol sa liderato ng Philippine Superliga All-Filipino Conference sa Cuneta Astrodome kahapon.

Nag-deliver si Jovelyn Gonzaga ng eight kills, two blocks at three aces tungo sa 13 points, nagdagdag ng tig-siyam sina Honey Royse Tubino at Jessey de Leon para sa Lady Troopers.

Nasilo ng Army ang pangatlong sunod na panalo para gumitgit sa tuktok ng standings kasama ang Petron at F2 Logistics na 25-12, 25-15, 25-18 winner sa Generika sa first match ng torneo na hatid ng Klab Cyscorpions, Asics, Grand Sports, Mikasa, Mueller at Senoh.

Sa kabila ng panalo, naniniwala si RC Cola-Army coach Kungfu Reyes na kaya pa nilang maglabas ng mas dominanteng laro.

“We’re not yet that consistent. We still have some errors,” ani Reyes. “But this is a good win entering the two-week break. The challenge for me is how to keep them sharp.”

Sadsad sa pangalawang pagkakataon ang Corvettes, pinangunahan ng 11 points ni Pau Soriano.

Nakapahinga ang F2 Logistics ng isang linggo, walang kalawang na sumalang at tinapos ang laro sa loob lang ng 68 minutes.

May tig-11 markers sina Aby Marano at Ara Galang sa Cargo Movers, nagsumite ng 25 excellent sets si Kim Fajardo para sapawan ang 18 ng counterpart niya sa Life Savers na si Rubie de Leon.

“I think we’re doing great. We just need to tweak some minor details, but the team is already getting there. I like where we are right now,” lahad ni F2 Logistics coach Ramil de Jesus, humugot pa ng tig-eight points kina Mika Reyes at Cha Cruz, at seven kay Kim Dy.