Abante Tonite Interactive

Nawala ang isang sapatos

657

Dear Dream Catcher,

Napanaginipan ko pong nasa ibang bansa ako tapos ay namamasyal kami sa isang parang temple.

Kailangan daw hubarin ang sapatos at iniwan lamang namin ang aming sapatos sa labas ng temple. Nang palabas na kami nakita na ng mga kasama ko ang mga sapatos nila pero ako ay isang sapatos lang ang nakita at nawala po ang isa.

Naiiyak na raw ako dahil nasa abroad nga ako tapos ay nawawala ang sapatos ko at iniisip ko na paano ako makakapunta sa hotel na iisa lang ang sapatos ko.

Paggising sobrang bigat ng loob ko dahil hindi ko na nakita ang sapatos ko.
Lottie

Lottie

Ang sapatos ay isa sa mga itinuturing na common dreams. Konektado ang sapatos sa proteksyon at sa landas na tinatahak mo sa buhay. Ang sapatos din ay konektado na sa ating pagkatao. Kadalasan kapag ang sapatos mo, lahat ay branded ay nagiging simbolo ito na medyo nakakaangat ka sa buhay.

Kung sa iyong panaginip, nakita mong suot mo ang sapatos, indikasyon ito na me­ron kang gagawing pagbibiyahe sa hinaharap. Maaa­ring umiikot ang mga plano mo sa pagbibiyaheng ito kaya napanaginipan mo ang sapatos.

Related Posts

Pero sa iyong panaginip, nasa biyahe ka na at nawala ang isa mong sapatos. At dahil dito, sobrang namroblema ka dahil iniisip mo kung paano ka makakapaglakad paalis sa lugar na kinaroroonan mo kung iisa lang ang suot mong sapatos.

Ang pagkawala ng sapatos sa panaginip ay indikasyon na posibleng meron kang nakakalimutang isang importanteng bagay na dapat mong gwin. Ang pagkawala na isang pares lamang ng sapatos ay puwedeng ikonek sa mga plano mo sa buhay. Meron ka nararamdaman na hindi kumpleto ang mga plano mo. Parang may kulang. Ito ang puwede mong maging interpretasyon s iyong panaginip.

Posible ring masyado kang napopokus sa iniisip ng mga tao sa bawat ginagawa mo. At dahil sa tingin mo ay maraming nag-oobserba sa iyo, mas lalong nawawala ang pokus mo. Nawawalan ka rin ng balanse at hindi masyadong makadiskarte.

Pag-aralan kung ano ang tunay mong sitwasyon at pinagdaraanan sa buhay, doon mo matutumbok kung bakit nawala ang isang pares ng sapatos mo sa iyong panaginip.

Dream Catcher

***

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang espiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.