Abante Tonite Interactive

Nawalang trainer plane natagpuan

392

Inanunsyo ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na natagpuan na ang mga sirang bahagi ng Beechcraft Baron 55 trainer plane na nawala matapos na mag-takeoff sa San Jose, Occidental Mindoro.

Gayunman hindi pa rin umano nakita ang piloto at student pilot na sakay nito na kinilalang sina Capt. Jose Nelson Yapparcon at Abdullah Alsharif.

Alas-8:30 Biyernes ng umaga nang mag-takeoff ang trainer plane sa San Jose Airport ng nasabing bayan.

Patuloy ang ginagawang search and retrieval operation para sa dalawang nawawalang sakay nito. (PNA)