Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nawawala mga laman-loob ni Jonson

0 166

Ni Nancy Carvajal

Nawawala diumano ang ilan sa mga importanteng laman-loob ni Bree Jonson at hindi ito nai-turn over ng police crime laboratory sa pamilya ng nasawing artist para maisalang sa pagsusuri ng National Bureau of Investigation (NBI).

Ibinunyag ito sa Abante Tonite ng abogado ng pamilya Jonson na si Atty. Maria Moreni Salandanan.

“Bree’s major organs are missing and the PNP claims that they only got sample slices and a court order is needed to secure its release for the NBI, as to the entirety of the organs, we do not know yet where they are,” pahayag ng abogado.

Sinabi ni Salandanan na siniguro sa kanya ni Philippine National Police (PNP) chief Guillermo Eleazar na ipag-uutos nito ang agarang pag-transfer ng mga ebidensiya sa pagkamatay ni Bree sa pamilya nito para i-turn over naman sa NBI.

Subalit hinihintay pa rin umano nila ang histopathology examination report sa mga labi ni Jonson.

Setyembre 18 natagpuan ng mga awtoridad ang bangkay ni Jonson sa tinuluyan nilang kuwarto ni Julian Ongpin sa isang resort sa La Union.

Sinabi ni Ongpin na nag-suicide umano si Jonson subalit ayaw itong paniwalaan ng pamilya ng nasawi.

Ang 29-anyos na si Julian ay anak ni Roberto Ongpin, na isa sa pinakamayamang negosyante sa Pilipinas at dating trade minister sa panahon ng administrasyong Marcos.

Leave A Reply

Your email address will not be published.