Abante Tonite Interactive

Nawawalang 10-anyos, bangkay na bumulaga

581

Matapos mawala ng 10 araw, natagpuang wala ng buhay ang isang batang babae sa isang magubat na lugar sa itaas ng burol sa Tayabas City noong Biyernes ng umaga.

Kinilala ang bata na si Kaycee Sabornido Oabel, grade 5 student at residente ng Brgy. Ilayang Alsam.

Sa report ng Tayabas police, natagpuan ng kanyang tiyo na si Marvin Exhija na isa ring barangay tanod, ang bata na nakahandusay sa damuhan.
Ayon kay Police Col. Audie Madrideo, director ng Quezon PNP, isinailalim na sa pagsusuri ng SOCO ang bangkay ng biktima at inaalam na ang dahilan ng pagkamatay nito at kung may naganap na foul play.

Intact naman aniya ang mga damit ng bata at wala pa rin ito sa state of decomposition, indikasyon na hindi pa ito natatagalang namamatay bagama’t 10 araw na itong nawawala. (Ronilo Dagos)