Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nawawalang binata bumulaga sa creek

0 318

Walang buhay na bumulaga sa isang creek sa Cabuyao City ang 27-anyos na binata na nawawala sa Calamba City.

Batay sa pulisya, nadiskubre ng isang nagdaraang residente ang bangkay ni Cedric Angeles na nakabalot ng sako at packaging tape sa NIA Road, Brgy. Gulod, Cabuyao City alas-5:30 Sabado ng umaga noong Sabado.

Nakabalot ito ng basahan na may taling wire ang ulo. Hinala ng mga awtyoridad, biktima ng summary execution ang binata. Una itong iniulat ng kanyang ina na nawawala matapos umalis at hindi na makabalik sa kanilang tahanan sa Cardinal Village, Barangay Sampiruhan, Calamba City noong Biyernes. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.