Abante Tonite Interactive

Nawawalang French national na-rescue sa bangin

286

Isang 72-anyos na French natio­nal ang na-rescue matapos ang mahigit isang linggong pagkakawala sa kabundukan ng Sitio Sikling, Barangay Barlig, Mountain Province, Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ng Barlig Municipal Police Station (BMPS) ang natagpuang biktima na si Fracioly Jacques, isang turista mula sa France na nagbakasyon lang sa Mountain Province.­

Ayon sa BMPS, sinabi ng mga rescuer na hinang-hina si Jacques noong matagpuan sa masukal na bangin kaya agad na itinakbo sa pagamutan.

Sa report, nagsimula ang search and rescue operation matapos mag-report ang management ng Halfway­ Inn and Restaurant (HIR) sa BMPS noong Martes (Enero 21) at sinabing nag-check in ang dayuhan sa HIR noong Enero 14. Umalis din ito ng parehong araw at sinabing magsa-sightseeing lang ngunit hindi na ito bumalik.

Sinabi ng HIR, ang mga personal na kagamitan ni Jacques ay naroroon pa sa kanyang inupahang kuwarto.

“Janssen Focad reported that on the night of January 13, her husband and his fellow tour guides offered to take Jacques hiking. The French tourist refused, saying he had no plans of hiking and that he wanted to go to Natonin town, more than 30 kilometers from Barlig,” ani ng BMPS.

Pinaalalahanan ng BMPS ang mga turista na bumibisita sa bayan ng Barlig na sundin lamang ang rules and regulation para sa kanilang kaligtasan. (Allan Bergonia)