Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nawawalang pondo sa pandemya

0 105

Hininihingan ng Commission on Audit (COA)ng paliwanag si si Quezon Gov. Danny Suarez kaugnay ng nawawalang P102 milyong pondo para sugpuin ng tumataas ng kaso ng Covid-19 sa naturang lalawigan.

Bukod sa Cavite at Laguna, ang ang lalawigan ng Quezon ay nanatiling may pinamataas na kaso ng virus at pinakamababa naman na vaccination rate sa buong Region 4-A.

Batay sa annual report ng COA, lumilitaw na P102,131,859.46 ang diumano’y nawawala mula sa kaban ng bayan sa lalawigan ng Quezon.

Sa pagsusuri ng komisyon, malaki diumano ang diperensya sa kasalukuyang Cash-in-Bank (CIB) at asset accounts ng probinsya at ang nakatalang utang at napaggastusan sa ilalim ng tanggapan ng gobernardor.

Ayon sa COA report, ang nawawalang pondo ay galing sa hindi nai-remit na mga koleksyon ng mga collecting officers sa tanggapan ng ingat yaman ng probinsya mula sa 14 provincial hospitals at ilang milyong pisong unliquidated cash advances satanggapan naman ng gubernador simula pa 2019.

SM food to go Banner Ad

Inabisuhan na umano ng COA si Suarez nadirektahan na ang treasurer ang mga collection officers na i-remit na sa probinsya ang mga nasabing pondo, sapagkat umaabot sa 79 araw ang delay sa remittance.

Pero hanggang ngayon ay hindi pa nagsusumite ng mga disbursement report para sa mga ginastos na salapi ng probinsya na isang requirement ng COA memorandum circular 2021-001.

Nakasaad sa batas na nararapat magsumite ang isang opisyales de gobyerno ng mga dokumentong magpapatunay kung saan at anoang pinaggamitan ng pera ng taumbayan.

Puwede ring kasuhan ng pamahalaan ang isang local official ng pandarambong o embezzlement ng pondo bunga ng kawalan ng mga nasabingdisbursement reports.

Bukod diyan, nakasaad din sa batas na maaari sampahan ng paglabag sa anti-graft and corrupt practices act at sa Code of ethics ng mga pampublikong opisyalang isang local chief executive kung hindi niya susundin ang COA rules.

Leave A Reply

Your email address will not be published.