Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nayong Pilipino butata sa cultural park

0 509

Inutusan ng Malacañang ang Board of Trustees ng Nayong Filipino Foundation (NPF) na ipagpaliban ang pinaplanong cultural park project sa bakanteng lote sa Paranaque City para makapagpatayo doon ng mega vaccination facility.

Ayon sa news site na Bilyonaryo.com.ph, naglabas ng kautusan si Executive Secretary Salvador Medialdea nitong Martes, Mayo 4, sa Nayong Filipino na huwag harangin ang pagtayo ng mega vaccination facility at gawin nito lahat ng makakaya para magamit ng National Task Force ang lugar bilang vaccination center at quarantine facility.

“Should the NPF have any existing plans on the same property, it shall defer the implementation thereof to give way to the more urgent purpose of meeting the public health emergency,” sabi ni Medialdea sa memorandum sa Nayong Filipino na napasakamay ng Bilyonaryo.com.ph.

Nabatid na sina NPF Executive Director Lucille Karen Malilong-Isberto at Cesar DG Aljama ng board ang humaharang sa vaccination facility. Ipinagtatabuyan nina Malilong-Isberto at Aljama ang facility sa mga parking lot, stadium, at sinehan imbis na gamitin na lang ang nakatenggang lupa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Walang gagastusin ang pamahalaan sa itatayong vaccination facility dahil ang bilyonaryong si Ricky Razon na ang maglalabas ng pera para dito.

Ang temporary vaccination facility na pinaplano ay magkakaroon ng kakayanang bakunahan ang 12,000 tao sa isang araw at makatutulong sa layunin ng pamahalaan na mabakunahan ang 70% ng populasyon para magkaroon ng herd immunity at mapasigla ang ekonomiya.

Nasa 9.5 hektarya ang lupa ng Nayong Filipino sa Entertainment City sa Parañaque at walong hektarya lamang ang gagamitin para sa vaccination facility. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.