Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NBA All Star Game buburahin

0 295

Inilalatag pa ang pundasyon ng 2020-2021 NBA season, pero sigurado nang mag-iiba ang takbo kaysa sa nakagawian.

Kailangang mag-adjust, dahil ang nagdaang 2019-2020 season ay higit apat na buwang tinigil ng coronavirus pandemic at natapos lang nitong Oct. 11.

Ayon sa ulat nina Adrian Wojnarowski at Brian Windhorst ng ESPN, namemeligrong ma-scratch ang midseason All-Star extravaganza sa Indianapolis.

“Amid the coronavirus pandemic, the NBA is proposing several changes to next season that include a 72-game regular season, a play-in tournament and the likelihood of no All-Star Game or All-Star Weekend in Indianapolis, sources said,” bahagi ng report.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

“The league is considering a two-week break at the midway point of the season, sources said.”

Dahil walang All-Stars at balak na magkaroon ng two-week break, makakapahinga ang players bago bumalik sa normal ang liga pagdating ng 2021-2022 season.

Shortened ang season para magkaroon pa rin ng pagkakataon ang NBA players na maglaro sa Tokyo Olympics na itutuloy sa July.

Kung matutuloy na ito, posibleng Dec. 22 ang start ng 2020-21. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.