Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NBA balik kahit may kaba, takot

0 600

Sa harap ng mga gulo at pandemiya, magbabalik ang natengga ng mahigit apat na buwang 74th National Basketball Association (NBA) 2019-20 simula ngayon (bukas, Manila time) sa Walt Disney World, Orlando, Florida.

Pagkakansela ng regular season noong Marso dahil sa Covid-19, hindi nagamit ang mga pasilidad, naatrasado ang draft at free agency, may mga nagpositibo sa coronavirus, maraming nagprotesta sa mga kalsada sa paghingi ng hustisya sa isyu ng racism at police brutality.

Magkahalo man ang kaba at takot, babalik na ang liga para tapusin ang season , at pokus pa rin ang 22 teams para sa korona na isusuot ninuman pagsapit ng Oktubre.

Lalo ng mga magpapang-abot agad na New Orleans -Utah at ng top two sa Western Conference — Los Angeles Lakers at Los Angeles Clippers.

“Nobody’s life is pretty much how they planned it to be at this point with the pandemic, so you take it for what it is,” ani Clippers forward and reigning NBA Finals MVP Kawhi Leonard sa AP. “Everybody is happy that a champion will be crowned this year, and if that’s the 2020 championship, then we want it. You know, that’s how I look at it. This is what the layout is, as far as to go out there and complete this journey.”

Masasaksihan din bukod sa kanya sina reigning MVP Giannis Antetokounmpo ng Bucks, LeBron James ng Lakers, at scoring champion James Harden ng Houston na mangunguna sa 23 All-Star rosters.

Sa Agosto rin agad mapagpapasyahan ang 16-team playoff bracket tapos makasulong na ang 12 pa-Disney. Pamartsa na rin ang Dallas kaya tatlong koponan pa ang maglalabo-labo para sa 2 silya sa Eastern Conference, at isa sa Western. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.