Abante Tonite Interactive

NBA desididong magkaroon ng kampeon sa 74th season

343

Plano pa rin ng NBA na tapusin ng season.

Ang problema lang ay kung kailan ibabalik, at kung paano ang mga laro, ng nasuspindeng 2019-20 o 74th season.

Tinigil ang mga laro noong March 12 matapos mag-positive sa coronavirus si Rudy Gobert ng Utah Jazz.

Kung matutuloy pa, babalasahin ng konti ang playoff schedule.

Isa sa ikinokonsidera ang best-of-three series sa playoffs. Tinabla na ng liga ang single-game elimination tournament, ayon sa ulat ni Marc Berman ng New York Post. Kung sakali ay huling opsiyon lang ito.

Sa ulat ni Berman, isa sa proposal na ikinokonsidera ay tapusin ang regular season sa iisang venue na lang, walang manonood na fans pero televised din ang mga laro. Pagkatapos ay diretso na sa playoffs.

Ilan sa mga tinitimgnang paglalaruan ang Las Vegas, Orlando, Hawaii, Atlantic City, Louisville at Bahamas. Bukod siyempre sa basketball facilities, kailangan ng lugar na magkaroon ng sapat at malaking tutuluyan ang team pero sarado rin sa iba.

Lahat naman daw ‘yun ay pinag-uusapan pa lang, wala pang konkretong napagkasunduan.

“They’re very determined to have a champion,” giit ng isang league official na source ni Berman. (VE)

Tonite – Wendys Inhouse Ad