Abante Tonite Interactive

NBA Finals walang katumbas

384

Charlie Favis

Napakagandang manood ng 73rd NBA 2019 Finals.

Ang huling laro ng NBA na napanood ko nang live ay ang laban ng Toronto Raptors at Cleveland Cavaliers sa Air Canada Center.

Pero si LeBron James lang talaga ang pinanood ko na nasa Cleveland pa noon. Napansin ko agad ang mga fan ng Toronto.

Kahit natatalo na ang kanilang koponan, panay pa rin ang suporta nila sa Raptors, walang tigil na sigawan sa loob ng arena.

Ngayong nakatungtung na ang Raptors sa kauna-unahang finals series, ‘di ako nagtataka kung ang celebration sa Toronto ay umabot na sa peak level, parang holiday ngayon sa Toronto, lalo na sa tinatawag nilang Jurassic Park (JP), isang lugar na pwedeng manood ng laro sa isang giant TV dahil sa mahirap bumili ng ticket.

Masayang nanonood ang mga taga-Toronto at nagdadala sila ng mga inumin at pagkain sa JP, sabi ng ilang mga kaibigan at kamag-anak ko na nakabase na sa Toronto.

Sa laro naman, lamang pa rin ang Toronto sa series. Malapit na sana nila masungkit ang Game 5 pero natalo pa sila ng isang puntos. Malaking bagay ang paglalaro ni GSW star Kevin Durant, kahit na 9 na minutes lang, at ito’y nagsilbing inspirasyon sa mga manlalaro ng Warriors upang manalo, 106-105.

Sinabi ko bago ang laro na, baka manalo ang Warriors sa Game 5 kasi baka gumanda ang laro ni Curry, na tila nasunog nung gumawa ng 47 points noong Game 3.

Sabi ko, baka na-revitalized na at maglalaro nang husto sa Game 5. Si Klay Thompson naman, baka fully recovered na sa Game 5, kasi nakapag-adjust na sa Game 4. ‘Di rin masyado ginamit ni Coach Kerr si Kevon Grant Looney, ang kanilang injured center. Sinabi ko rin sa aking prediction na ‘di na gagamitin si Looney.

Mas maganda pang ibabad si Andrew Bogut. Ngunit ang ginawa ni Warriors coach Steve Kerr ay si DeMarcus Cousins ang ginamit nang husto na gumawa ng 12 puntos sa second quarter.

Gaganapin ang Game 6 sa Oracle sa Oakland, ang bahay ng Warriors at maaaring manalo ulit sila.

Ngunit ang aking crystal ball ay nagsasabi na, kahit manalo ang GSW sa Game 6, ang magiging kampeon ay Toronto Raptors.

Bakit?
Mahirap manalo ng tatlong sunod ang isang team sa NBA kahit GSW pa ‘yan.
Abangan.