Abante Tonite Interactive

NBA: HIGH OCTANE ROCKETS

140

SAN ANTONIO (AP) — Nagliyab sa 3-point range ang Houston at nilampaso ng Rockets ang San Antonio Spurs, 126-99, sa Game 1 ng Western Conference semifinals.

Nagsumite ng 23 points si Trevor Ariza, tumapos ng 20 points at 14 rebounds si James Harden sa Rockets, iniregalo ang worst loss ng Spurs sa isang series opener sa ilalim ni Gregg Popovich.

“Just taking what the defense gives us,” wika ni Harden. “Last series (against Oklahoma City) was a more gind-it-out. We weren’t really making a lot of 3s. We had to figure a way to get paint points and in this series so far they gave opportunities to shoot 3s.”

Tumikada ang Rockets ng 22 for 50 sa labas ng arc, pinakamaraming naipukol at naikonektang 3s laban sa Spurs sa mahaba-haba na ring rampa sa postseason.

Anim na players ng Houston ang nagsumite ng double figures kabilang ang 20 points at 13 rebounds ni Clint Capela.

Game 2 Miyerkules sa San Antonio.

Lumayo ng hanggang 39 points ang Houston, umagwat ng 30 sa first half.

Hindi naglubay ang Houston sa rotation sa shooters ng San ­Antonio, dalawang defenders ang hindi humiwalay kay Kawhi Leonard kahit sa screens. Tumapos si Leonard ng 21 points sa 5 for 14 shooting, may 11 points si Tony Parker at 10 kay Jonathan Simmons sa Spurs.

Sa Cleveland, umiskor si LeBron James ng 35 bago lumagok ng beer sa sideline, nagdagdag ng 24 si Kyrie Irving at pinabagsak­ ng Cavaliers ang Toronto, 116-105, sa opener din ng kanilang ­Eastern Conference semifinal.

April 23 pa huling lumaro ang defending champion Cavs nang kumpletuhin ang four-game sweep sa Indiana.