Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NBA malulugi ng P48B

0 312

Malulugi ng hanggang $1B (P48B) ang NBA kapag na-delay hanggang January ang opening ng 2020-21 season.

Hindi pa magkasundo ang liga at ang National Basketball Players Association kung uumpisahan na ang papasok na season bago ang Christmas Day, o ide-delay hanggang Jan. 18.

Sa ulat ni Adrian Wojnarowski ng ESPN, mula $500M ang mawawala sa liga kapag na-delay pa ang start.

Dahil sa coronavirus pandemic, mas malamang na wala pang fans na papapasukin sa arenas. Dito magkakanda-lugi-lugi ang US major cage league.

Salungat ang players association sa plano ng NBA na buksan sa Dec. 22 ang shortened sa 72-game regular season.

Isinusulong ng asosasyon ang mid-January start, posibleng sa Martin Luther King Day.

Ikinakatwiran ng iba na masyadong malapit ang Dec. 22 sa Oct. 11, ang huling araw ng NBA Finals nang kalusin ng Lakers ang Heat sa anim na laro. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.