Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NBA may diskarte sa dating palaruan

0 259

Home court advantage, ingay ng fans – mga nakasanayan ng players sa ordinaryong araw ng mga laro, pero wala ngayon sa Orlando bubble sa NBA restart.

Gumawa ng paraan ang liga para ibalik ang nakagawiang venue environment.

Uumpisahan ngayong araw ang seeding games.

Ilalapit ang fans sa aksiyon sa court, magkakaroon ng 31-camera setup ang NBA, karamihan sa mga ito ay robotically operated.

Ayon kay NBA head of Next Gen telecast Sara Zuckert, gagamit ng ‘audio soundscape’ para magaya ang ingay sa home arenas ng teams na kadalasang nilulunod ng 18,000-20,000 crowd.

“Amplifying microphones in the arena can really lead to an enhanced feel and sound,” ani Zuckert. “You’ll hear a lot of sneaker squeaks and ball bounces.”

Sa pamamagitan ng digital innovation, isisingit ang mukha at boses ng fans sa broadcasts via Microsoft Teams platform. Bawat laro ay pipiliin ng home team ang fans na makikita on screen sa loob ng arena – mula sa likod ng bangko ng players paikot. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.