Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NBA may pinapaboran – mga Heat fan

0 130

Naghihinanakit ang ilang mga fan ng Miami Heat dahil sa tingin nila’y bias ang National Basketball Association (NBA) sa pagtrato sa kanilang team at sa nakatakdang malaban sa league finals na Los Angeles Lakers.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pinagsisintir ng mga tagasuporta ng Miami ang pagpapaulan ng confetti sa Lakers nang tagpasin sa series-clinching Game 5 ang Denver Nuggets sa West Finals nitong Sabado sa Orland bubble, habang walang natanggap ang Heat nitong Linggo pagkaraang hakbangan ang Boston Celtics sa Game 6 ng East Finals .

“The didn’t even give us confetti when we but gave the Lakers confetti,” tweet ni @jessekunwamba, na naunang kinomento na maaring ‘di kursunada ng liga na makarating sa Finals ang kanilang sinusuportahang team. (Abanmte TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.