Abante Tonite Interactive

NBA nagdalamhati kay KB

450

Nagluksa ang buong National Basketball ­Association sa pagkamatay ni Lakers legend Kobe Bryant.

Si Kobe, ang 13-anyos na dalagitang anak na si Gianna at pitong iba pa ay sakay ng helicopter na nag-crash sa Calabasasm California Linggo ng gabi.
Mabigat ang mga dibdib pero itinuloy din ang mga laro.

Sa San Antonio, nakuha ng Toronto ang ­opening tip pero inubos ng Raptors ang 24-­second shot clock sa umpisa ng laro. Para kay Kobe, na No. 24 sa latter half ng career sa LA.

Habang paubos ang shot clock, isinigaw ng fans sa AT&T Center ang pangalan ni Kobe.

Pagkakuha ng Spurs sa bola kasunod ng ­shot-clock violation, inubos din nila ang 24 seconds.

Ganito rin ang tribute na binigay ng Orlando Magic at Clippers. Una ay inubos ang 24-second shot clock bago ang 8-second violation. Ginamit din ni Kobe ang No. 8.

Sumunod ang Memphis at Phoenix. Nag-24-se­cond violation ang Grizzlies, sumunod sa ­8-second violation ang Suns. Pagkatapos ay hindi na napigil ni Devin Booker ang pag-iyak. (Vladi Eduarte)