Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NBA restart malaki gastos – Silver

0 332

Nakakalula ang gagastusin ng NBA sa final three months ng season, ang restart sa Walt Disney World Resort umpisa sa July 30 hanggang October.

“It’s not all that economical for us to play on this campus,” pahayag kamakailan ni NBA commissioner Adam Silver. “It’s enormously expensive. Obviously, we don’t have fans. I should’ve mentioned earlier, so, we’re not selling tickets.”

Binuko ni Brian Windhorst ng ESPN, na aabot sa higit $150M (P7.4B) ang ipapaluwal ng liga sa halos tatlong buwan.

Bawat araw ay $1.5M sa 22 teams na lalaro ng kanilang final eight games sa regular season at playoffs.

“The Orlando bubble is costing the NBA more than $150M,” ani Windhorst sa The JUMP noong Miyerkoles. “More than $1.5M a day to put on, not to mention all the lost revenue they have from not being able to sell tickets.”

Closed doors ang mga laro, walang manonood. Walang kikitain ang liga sa benta ng tickets. Sa tatlong resorts patutuluyin ng NBA ang 22 teams at staff ng mga ito. May pitong practice courts, may pakain pa araw-araw.

Kailangan pa ang araw-araw na coronavirus testing, at ang babayaran sa entertainment at amenities para sa 1,500 katao. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.