Abante Tonite Interactive

NBA rookie Sexton, WNBA legend Panicheiro papabibo na

329

Nasa bansa na si Cleveland Cavaliers rookie Collin Sexton at si WNBA Legend Ticha Penicheiro upang ma­ging parte ng coaching staff ng 9th Jr.NBA Phi­lippines 2019 ng Alaska Milk.

Bukas nang umaga ay isang press confe­rence ang idadaos sa Fairmont Hotel sa Makati City upang ipakilala ang dalawa bilang NBA at WNBA talents na tutulong sa National Trainin­g Camp upang hasain ang talento ng Jr.NBA cam­pers na nakaugalian na ng kapisanan mula pa noong 2010.

Magiging parte din sina Sexton at Penicheiro kasama ang mga Jr.NBA camper at Alaska coaches sa mga pipili ng tig-Top 5 na lalaki at babae na papangalang Jr.NBA All-Stars na makiki­pagtagisan ng galing sa All-Stars ng Timog Silangang Asya at Australia para sa Asia Pacific Selection Camp na gaganapin sa Indonesia sa Hulyo.

Sa nasabing Selection Camp naman sasalain ang 10 young athletes na aabante sa Jr. NBA Global Championship na itatanghal sa Orlando Florida sa Agosto. (Myris Lee)