Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NBA-style bubble inaaral pa – Marcial

0 43

Hindi nadesisyunan sa Board meeting ng PBA nitong Biyernes kung saan itatayo at kung ano’ng klase ang bubble para sa restart ng Philippine Cup.

Magkikita-kita muli ang mga kinatawan ng 12 teams sa Huwebes para ibaba na ang desisyon.

“Kung saan, kung ano’ng klaseng bubble, kung ano (tournament) format,” ani commissioner Willie Marcial nitong Lunes.

Target ng liga na ibalik sa Oct. 9 ang laro. Nakakaisang laro pa lang sa 45th season, tinigil ng commissioner noong March 11 dahil sa coronavirus.

Natabas na rin ang listahan ng mga posibleng paglagyan ng buble, may tatlong naiiwan.

Huling naglatag ng presentation sa Board ang Lio Estates Resort sa El Nido, Marriot Hotel sa Pasay, Pontefino Hotel sa Batangas at ang Clark Freeport Economic Zone.

“Nag-cut down na sila ng shortlist,” paliwanag ni Marcial. “Pag-uusapan na kung ano’ng klaseng bubble at kung ano’ng klaseng format.”

Hindi binanggit ng commissioner ang mga nasa shortlist.

Pinag-aaralan ng liga ang senaryo sa bubble, kung igagaya sa NBA na hotel-venue-hotel lang ang galawan, o kung parang sa Bundesliga sa Germany na bahay-venue-bahay.

May mga naniniwalang mas mainam at mas praktikal ang NBA-style bubble para nakakahon na kung saan gagalaw. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.