Abante Tonite Interactive

Nbi agent kulong sa pang-aarbor ng kaso

526

Sa loob mismo ng Makati City Police headquarters, inaresto at pinosasan ang isang nagpakilalang Intelligence Officer ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos nitong arborin ang kaso ng tiyuhin na nahuli sa buy-bust operation sa Brgy. Guadalupe, Makati City kamakalawa nang gabi.

Sa ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa Anti Graft and Corruption Practices Act ang NBI agent na si Monakiram Batabor y Currie, 39, isang NBI Officer 1, taga-Barangay Guadalupe Nuevo.

Sa report ng Makati City Police, alas-otso kamakalawa ng gabi nang maganap ang insidente sa Makati City Police sa Makati Central Ayala Extension.

Ayon kay P/Col. Rogelio Simon, hepe ng Makati City Police, bago naaresto si Batabor ay nagsagawa ng buy-bust operation ang Station Drugs Enforcement Unit (SDEU). Isa sa mga ito ang nagpanggap na poseur buyer at bumili ng P500 droga sa mga suspek.

Nang aktong iaabot na ang droga ay dito na dinakma ng mga nakaantabay na mga pulis ang siyam na suspek na sina Alinor Anshary, 31, ang asawang si Anshano, 28; Manjale Currie, 47, driver, tiyuhin ng umarbor na NBI;

Joemari Ederadan, 23; Alex Boteri, 41; Michail Lugay, 42; Marcelo Mallari, 49, at Johaima Oday, pawang naninirahan sa 8591 San Jose St. Makati.

Nang malaman umano ng NBI agent na kasama sa dinampot ang kanyang tiyuhin, agad itong pumunta sa presinto, kinausap umano nito ang mga arresting officer at tinangkang arborin ang kaso ni Manjale kaya dinampot ito.

Nakumpiska mula kay Batabor ang isang calibre 40, mga bala, NBI ID, PRC ID, BIR ID at Samsung na cellphone. ­(Armida Rico)