Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘NBI agent’ tiklo sa P100K clearance raket

0 358

Laglag sa entrapment operation ang isang tulak ng iligal na droga na rumaraket din na fixer sa National Bureau of Investigation (NBI) clearance at tinatarget ang mga bagitong aplikante para kikilan.

Naaresto ang suspek na si Mark Endaya Cabal sa mismong parker area ng NBI sa Taft Avenue noong Miyerkoles kasunod ng operasyon ng NBI-Special Action Unit (SAU).

Nagpapakilala umano si Cabal bilang miyembro ng nasabing unit at humihingi ng P100,000 mula sa aplikante na tinakot niya na aarestuhin dahil umano sa bad record nito.

Sinabi ni NBI-SAU deputy chief lawyer Jerome Bomediano na humingi ng tulong ang biktima sa kanilang tanggapan nang hindi ito makapaglaan ng sinasabing halaga na hinihingi ni Cabal para malinis diumano ang pangalan niya.

Kwento ng biktima, nilapitan niya si Cabal malapit sa gate ng ahensya sa United Nations Avenue para tanungin kung saan ito makakakuha ng NBI clearance.

“The victim thought he was talking to a legitimate NBI employee because he was wearing a shirt with the NBI logo, but it turned out that the shirt was a part of his ploy to lure victims,” sabi ni Bomediano.

Nagkunwari umano ang suspek na nag-check sa record ng biktima saka humingi ng P100,000 para malinis ang pangalan nito dahil mayroon umano itong ‘hit’ para sa illegal drugs.

Tinakot din umano ng suspeka ang biktima na aarestuhin kung hindi magbibigay ng pera at malilinis ang kanyang pangalan.

Ayon kay Agent Mark Santiago, bukod sa NBI shirt, nakuha din kay Cabal ang ilang sachet ng shabu na nakabalot sa papel at nakatago sa maliit na kahon sa kanyang bag nang maaresto ito. (Nancy Carvajal)

Leave A Reply

Your email address will not be published.