Abante Tonite Interactive

NBI agent tumestigo vs de Lima

383

Muling humarap kahapon sa Muntinlupa Regional Trial Court Branch 205 si Senador Leila de Lima sa pagpapatuloy ng pagdinig sa kasong kinakaharap nito na may kaugnayan sa illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison.

Dakong alas-nuwebe nang umaga nang sumalang sa witness stand si NBI Agent Jovencio Ablen Jr. kung saan ipinahayag nito na dala­wang beses niyang sinamahan noong 2012 si dating National Bureau of Investigation (NBI) Director Rafael Ragos sa bahay ni de Lima sa Southbay Village, Parañaque.

Ang una ay noong Nobyembre 2012 kung saan iniabot umano ni Ragos sa bodyguard noon ni de Lima na si Ronnie Dayan ang isang itim na bag na may lamang P5 milyong cash.

Sumunod noong Dis­yembre 2012.

Mariin naman itong pinasinungalingan ni Dayan.