Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NBI bistado bentahan ng droga sa Lazada

0 405

Ni Nancy Carvajal

Nabuking ang talamak at halos dalawang taon nang bentahan ng droga gamit ang sinasabing kilalang online shopping app na Lazada kung saan tinatago sa gadget ang shabu kapag idini-deliver.

Laglag sa isinagawang operasyon ng National Bureau of Investigation anti-illegal drug task force (NBI-TFAID) ang tatlong dealer sa isang bahay sa Sampaloc, Manila kung saan nakumpiska ng NBI sa mga ito ang humigit kumulang sa P1 milyong halaga ng shabu.

Kinilala ang naarestong sina George Castro, Norberto Faustino at Reynaldo de leon, pawang nakatira sa 912 Josefina St Sampaloc, Maynila.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Naaktuhan ang mga itong inilalabas ang shabu sa mga bagong deliver na dalawang bluetooth speaker kung saan isiningit ang droga mula sa pinagbilhang kilalang online store.

Nabatid pa na halos 2-taon na ring nagaganap ang iligal na transaksyon at sa isinagawang surveillance ay lumitaw na “for rent for drug sessions” ang nasabing lugar.

“Based on our investigation, the method designed by the suspects proved to be effective and remained undetected since it started in 2019,” saad ni NBI TFAID head Lawyer Jonathan Galicia.

Leave A Reply

Your email address will not be published.