Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NBI didikdikin 8 ospital sa overpricing

0 92

Ipatatawag ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga kinatawan ng walong ospital sa bansa para pagpaliwanagin dahil sa pagbebenta umano ng overpriced na Remdesivir at iba pang reklamo ng pagsasamantala sa pasyente.

Nalaman na nagreklamo sa NBI ang ilang pasyente na nagpositibo sa COVID-19 dahil nagkaproblema sila sa paghahanap ng pera.

Batay umano sa isang nagreklamo, bago ito tinanggap sa pinuntahang pagamutan ay hiningan muna ng advance payment na halagang P50,000 hanggang P60,000. Bukod pa umano ito sa P10,000 hanggang P15,000 bayad sa pagamutan kada araw ng pananatili nila.

SM food to go Banner Ad

Ang ikinagulat umano nito ay nang malaman na nagkakahalaga ng P14,760 kada vial ang halaga ng Remdesivir. Ang Remdesivir ay ginagamit na panggamot sa may COVID-19 subalit kailangan nito ang pahintulot ng Food and Drug Administration.

May isa pang nagreklamo na umabot umano sa P1.2 milyon ang hospital bill ng kanyang ina pero namatay din ito at hanggang ngayon binabayaran pa rin nila ang gastos sa ospital.

Wala pang pinangalanan sa walong ospital subalit nabatid sa NBI na ang Department of Health at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) umano ang nagpaimbestiga sa sobrang paniningil ng mga pagamutan. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.