Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NBI dinakma 3 BOC staff sa pangongotong

0 294

Sa dalawang sunod na araw, tatlong empleyado ng Bureau of Customs (BOC) ang pinosasan sa magkahiwalay na entrapment operation ng National Bureau of In­vestigation (NBI) dahil sa umano’y pangingikil at pagbabanta.

Inaresto sa loob ng BOC head­quarters sa Intramuros, Maynila noong Miyerkoles ng hapon si Special Agent 1 Warren Reyes na nakatalaga sa Port of Manila, saad sa NBI report.

Martes ng hapon naman di­nakip sina Customs Appraiser Zosimo Bello at Port of Manila examiner Bong Seletaria sa loob ng Harbor View Restaurant sa Ermita, Maynila dahil din sa umano’y ex­tortion activities.

SM food to go Banner Ad

Kinasa ng NBI-Special Action Unit ang operasyon laban kina Reyes batay sa reklamo ng isang onion broker na nagsabing nang­hingi ang suspek ng P50,000 kada container para mailabas ang kan­yang cargo.

“The cargo has already been released because the victim prom­ised to pay the P200 thousand,” ani NBI-SAU executive officer Kris­tine de la Cruz.

“However, the broker claimed he was forced to report to authorities because of fear for his life and for his business. The Customs employees allegedly threatened the vic­tims problems of their warehouse and importation documents, if they fail to pay the agreed amount,’’ sabi pa ng NBI officer. (Nancy Carva­jal/Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.