Abante Tonite Interactive

NBI duda sa pagkatao ng 3 sinunog sa quezon

763

Nakatakda ngayong magsagawa ng DNA test ang National Bureau of Investigation (NBI) upang matukoy ang tunay na pagkakakilanlan ng sinasabing tatlong bangkay na natagpuan sa sinunog na kotse kamakailan sa Tiaong, Quezon.

“We are requested to conduct DNA testing to determine the true identities of the bodies based on some valuable information that questions the identities of the victims, because the bodies were charred beyond recognition,” ayon kay NBI deputy director Ferdinand Lavin.

Ayon kay Lavin, head ng NBI Forensic, kinabibilangan ng mga doktor at dentist ang magsasagawa ng imbestigasyon.

Sa inisyal na imbestigasyon, bago natagpuan ang sunog na sunog na tatlong ‘di pa nakikilalang mga biktima ay namataan ang motorcycle riding-in-tandem na sinasabing may kagagawan sa panununog sa kotse kung saan nakasakay umano sina dating Batangas 2nd District congressman Edgar Mendoza, driver na si Ruel Ruiz at body guard na si Nicanor Mendoza.