Abante Tonite Interactive

NBI: Kerwin Espinosa, 25 pa kasuhan ng drug trafficking

360

Nirekomenda ng National Bureau of ­Investigation (NBI) ang pagsasampa ng ­kasong drug trafficking ­laban sa self-confessed drug lord na si Kerwin ­Espinosa at 25 iba pang katao.

Nakasaad ito sa ­liham ni NBI Director Dante Gierran sa liham kay Prosecutor ­General Benedicto ­Malcontento na may petsang Disyem­bre 9, 2019 subalit ­nitong Miyerkoles lang nilabas sa midya.

Bukod kay ­Espinosa, kasama rin sa pinakakasuhan ng NBI sina Marcelo Adorco, Maba Limbona, ­Brian ­Anthony ­Zaldivar alyas ‘­Tonypet’, Galo ­Legaspi alyas ‘Kapre’, ­Wilfredo C. Abordo, Police ­Officer 3 ­Dennis Torrefel, Galo Bobares, Ferdinand Rondina alyas ‘­Denan’, Jose ­Antipuesto alyas ‘Joe’, Jose Estrera alyas ‘Amang’, ­Nickjune Canin, Alfred ­Batistis, Josela ­Dumaguit alyas ‘Jojie’, Baysay L. ­Custodio, at Viberca ­Diano.

Kabilang din sa ­nirekomendang sampahan ng kaso sina Chief Supt. Asher Dolina, Senior Inspector Eufracio Javines, Inspector Bernie D, Magamay, Senior Police Officer 3 Edgardo Betuin, PO3 Roberto Arafol, Senior Supt. Elizar P. Egloso, PO2 Marvin Parac, Vistor L. Espina Jr., Martin L. Espina, at Marites S. Ang.

Si Espinosa ay pinalaya noong Nobyembre 2009 sa utos na rin ng Court of Appeals ma­kalipas ang isang buwan na ­pagkakabilanggo sa New Bilibid ­Prison.
Bumalik si Espinosa sa Cebu kung saan muli siyang nakulong noong 2010.

Sabi ng NBI, ­kahit nasa loob na ­bilangguan sa loob ng halos dalawang taon ay lumawak ang illegal drug trade ni ­Espinosa sa Eastern Visayas sa pamamagitan ng kanyang mga kasabwat, private armed men, at mga protektor.

Bahagi umano ng rekomendasyon ng NBI ay batay sa extrajudicial confession ni Espinosa noong Disyembre 14, 2016. (PNA)