Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NBI lang mag-imbestiga – Digong: PNP, PDEA tsupi sa McDo drug bust

0 94

Ipinatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte ang joint investigasyon ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa shoot-out na naganap sa kanilang mga tauhan sa Commonwealth, Quezon City.

Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na nais ng pangulo na ang National Bureau of Investigation (NBI) na lamang ang tututok sa imbestigasyon.

Nais aniya ni Duterte na matiyak na magiging patas ang imbestigasyon dahil hindi aniya maiwasang mag-isip dahil ang mga iniimbestigahan ay kapwa tauhan ng PNP at PDEA.

“’Yung mga binuo na joint panel para imbestigahan ‘yan na binuo ng PNP at PDEA ay hindi na magtutuloy sa kanilang imbestigasyon. Tanging NBI lang po sang-ayon sa ating Presidente ang magtutuloy ng imbestigasyon,” dagdag ni Roque.

Idinagdag ng kalihim na may legal na may mandato ang NBI na mag-imbestiga lalo na kung ang sangkot sa insidente ay mga otoridad o men in uniform.

Matatandaang nitong Miyerkoles naganap ang ng hapon naganap ang palitan ng putok sa pagitan ng PDEA at PNP sa parking lot ng McDonald sa tabi ng Ever Gotesco mall sa nasabing lungsod. Apat ang nasawi sa insidente. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.