Abante Tonite Interactive

NBI: Mocha walang sagot sa fake news

0 486

Wala umanong isinumiteng written reply o anumang statement si dating starlet at ngayo’y Overseas Workers Welfare Administration ( OWWA) Deputy Administrator Mocha Uson sa National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng reklamong pagpapakalat umano ng fake news.

“She just submitted the photos of her posts. No statement, “ ayon kay NBI Cyber Crime Division chief Vic Lorenzo sa Abante Tonite.

Nang tanungin ang NBI kung tama ang ginawang ito ni Uson, sinabi ni Lorenzo na mas mabuti sana kung may kasamang statement o paliwanag ang sinumite nito sa ahensya.

“It could be their legal strategy”, sabi pa ni Lorenzo.

Hindi umano maaring pilitin ng NBI si Uson na magsumite ng written reply. “We are just fact finding body,” paliwanag ng opisyal.

Sa interview ng mga reporter sa isang closed door meeting sa NBI CCD, inamin ni Uson na `honest mistake’ ang isang post tungkol sa mga personal protective equipment (PPE) na umano’y binili at binigay ng Department of Health.

Nabatid na ang PPE ay donasyon ng isang pribadong kompanya.

Nag-sorry na si Uson at sinabing `honest mistake’ ang nangyari matapos batikusin sa social media.

Dapat ay sa Miyerkoles pa ng 10:00 ng umaga pinapadalo ng NBI si Uson subalit bigla itong dumating kahapon sa ahensya

Tonite – Wendys Inhouse Ad