Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NBI pasok sa imbestigasyon ng Badjao ‘sindikato’

0 228

Magsasagawa na rin ng sariling imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) para hubaran ng maskara ang taong “gumastos” sa pamasahe ng may 303 Badjao indigenous peoples na galing pa sa Zamboanga at dinala sa Maynila para mamalimos.

Ito ang nabatid kay Justice Secretary Menardo Guevarra dahil ang NBI ay miyembro ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT).

Nabatid na isinasaayos na ng Department of Social Welfare and Development-National Capital Region ang tiket ng may 282 Badjao para maibalik na sa Zamboanga, habang 21 naman ang maiiwan sa Maynila “dahil sa problemang pangkalusugan.”

Ayon sa IACAT, seryosong human trafficking ang pagdagsa ng malaking bilang ng mga Badjao sa Metro Manila.

Nabatid na ang Department of Transportation ang nagkaloob ng bus para hakutin sa temporary shelter sa Quezon City papunta sa Manila North Harbor ang mga Badjao.

Ang mga ito ay bantay-sarado sa mga tauhan ng Philippine National Police. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.