Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NBI, PNP sanib puwersa sa Dacera case tablado

0 233

Inihayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra na hindi na maaring magsagawa ng joint examination ang National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) sa bangkay ng nasawing flight attendant na si Christine Dacera.

“The police has recently come up with its official report,” ayon kay Guevarra.

“On the other hand, the NBI is in the end-stage of its investigation,” dagdag ni Guevarra.

Sanhi nito, sinabi ni Guevarra na hindi na maari ang joint examination.

Ang pahayag ay ginawa ng opisyal matapos hilingin ng pamilya ni Dacera na magsagawa ang NBI at PNP ng joint examination sa bangkay.

Naniniwala pa rin ang pamilya ni Dacera na ginahasa at pinatay si Christine sa kabila ng pahayag ng PNP sa inisyu na medical report na natural death ang ikinamatay ng 23-anyos na dalaga.

Samantala, hindi pa isinasapubliko ng NBI ang resulta ng forensic examination. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.