Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NBI pumapel na sa Comelec ‘hacking’

0 29

Pumasok na sa eksena ang National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa alegasyong hacking sa Commission on Elections (Comelec).

Ito ang kinumpirma kahapon ni Justice Secretary Menardo Guevarra matapos hingin ng Comelec ang tulong ng NBI sa sinasabing nangyaring hacking sa poll body.

“I have been informed that the Comelec has sought the assistance of the NBI to investigate the alleged hacking incident. The Cybercrime Division and the special project team of the NBI have been promptly mobilized,” ayon kay Guevarra.

SM food to go Banner Ad

Nabatid na kahapon ay isinagawa ng NBI ang physical security inspection sa Comelec facility sa Laguna kasama ang mga kinatawan ng Smartmatic at ng poll body.

Napasakamay na umano ng NBI ang ilang dokumento para sa gagawing imbestigasyon.

“Certain documents were turned over to the NBI for validation and authentication. A thorough investigation is now in progress,” ayon pa kay Guevarra.

Leave A Reply

Your email address will not be published.