Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NBI tinodo paghanting kay Mago

0 79

Ni Nancy Carvajal

Nagsanib-puwersa na ang tatlong tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) para matunton ang isang opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation na pinahahanap sa kanila ng Senado.

Sinusundan ng NBI lahat ng impormasyon na posibleng makatulong sa kanila para matagpuan ang Pharmally executive na si Krizle Grace Mago, 26, sa kahilingan na rin ng Blue Ribbon Committee na nag-iimbestiga hinggil sa overpriced diumano na mga medical supply na binili ng pamahalaan sa naturang kompanya.

Pinahanap ng Senado si Mago sa NBI dahil hindi na ito nakadalo sa pagdinig at hindi na rin makontak matapos ang una niyang testimonya sa Blue Ribbon Committee kung saan inihayag nito ang pagdoktor umano ng Pharmally sa expiration date ng mga face shield na binenta sa pamahalaan.

SM food to go Banner Ad

Base sa official records, sa Tuguegarao ang probinsya ni Mago at ang huling naitala na address nito ay sa isang condominium sa Sampaloc, Maynila malapit sa University of Santo Tomas.

Matatandaang Setyembre 28 ay nagpadala umano si Mago ng pahayag sa mga Senate reporter at sinabing ligtas siya at hindi rin pinagbantaan ng kanyang mga amo sa Pharmally matapos ang kontrobersiyal na testimonya sa Senado.

Kabilang sa mga ahente ng NBI na naghahanap kay Mago ay mula sa Regional Division Office na may hurisdikasyon sa mga probinsya at siyudad sa labas ng Metro Manila.

Leave A Reply

Your email address will not be published.