Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NBI-Zambo Chief todas sa 1 bala

0 145

Binawian ng buhay ang hepe ng National Bureau of Investigation (NBI) ng Zamboanga Sibugay nang aksidente umano nitong mabaril ang sarili habang nililinis ang kanyang baril Sabado ng umaga sa bayan ng Ipil ng lalawigang ito.

Kinilala ang biktimang si Akmat L. Sampang, 59, may-asawa at chief ng NBI Zamboanga Sibuhay, ito ay idineklarang dead on arrival matapos magtamo ng isang tama ng bala sa dibdib mula sa kanyang Glock .40 kalibre ng baril.

Sa ulat na ipinadala ni Police Major Shellamie Chang, tagapgsalita ng Police Regional Office (PRO) 9, naganap ang insidente alas-8:00 ng umaga sa loob ng kanilang bahay sa Purok Golden Mango, Cataluna residence, Barangay Poblacion.

Lumalabas sa ulat na naglilinis ng kanyang service fireams na Glock 40 ang biktima at inutusan nito ang kanyang asawa na bumili sandali ng buko juice.

SM food to go Banner Ad

Pagbalik ng asawa sa kuwarto ay laking gulat nito nang tumambad ang biktima na nakatumba na sa kanyang kuwarto at naliligo ng sariling dugo.

Agad namang isinugod sa Zamboanga Sibugay Provincial Hospital subalit idineklara na rin itong dead on arrival.

Nakuha sa lugar ng pinangyarihan ang Glock .40 ng biktima, isang basyong bala nito at 13 live ammo.

Sa ngayon ay patuloy na tinitignan ng pulisya kung mayroong foul play sa naganap na insidente.(Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.