Abante Tonite Interactive

NCAA: GOLDEN BOY JUNSAY SINAKYAN NG SEA LIONS

By
10

Naging salbabida ng San Beda ang anim na gold medals ni Joshua Junsay para tuhugin ang 16th straight NCAA seniors swimming title sa Rizal Memorial Sports Complex.

Kinolekta ni Junsay ang mga gold niya sa 200-meter at 400-m freestyle, 100m at 200m butterfly, at 200m at 400m free relays. May panahog pa siyang silver sa 1500m free para ihatid ang Sea Lions sa 21st overall swim title.

Icing sa performance ni Junsay ang ikinampay niyang third straight MVP award.

Dinomina ng tankers mula Mendiola ang event nang walisin din ang tatlong divisions kasama ng women’s at juniors’ categories.

Nakatipon ang Sea Lions squad ng 1517.5 points, milya-milya sa unahan ng mga kabuntot na St. Benilde (477), Arellano (311), EAC (205.5) at Lyceum (148).

Sinuwag ng Sea Lionesses ang seventh straight women’s crown sa likod ng 1323.5 points. Segunda ang Benilde (805) na ginabayan ng record-breaking efforts ni Maria Aresa Lipat, sunod ang Arellano (207).

Hinila ni Jose Mari Arcilla ang Sea Cubs sa 23rd championship sa juniors side na may 1058.
May five gold medals si Manuel Victor Perez para giyahan ang JRU sa third place finish sa high school event.