Abante Tonite Interactive

NCAA: Lyceum unbeaten pa, San Beda dumalawa

118

Hayahay ang Lyceum of the Philippines matapos silang bitbitin sa end game ni Jasper Ayaay.

Umiskor ng panel­yong tres si 5-foot-10 ­Ayaay upang tulungan ang ­Pirates na itarak ang 78-73 panalo kontra makukulit na San Sebastian College kahapon sa 93rd NCAA basketball tournament sa Filoil Arena­ sa San Juan City.

Hawak ng Intramuros-based squad Lyceum ang apat na puntos na abante, naipit si Reymar Caduyac sa kanyang salaksak kaya ibinato nito ang bola kay Ayaay at saka sinalpak ang tres tungo sa 77-70 may 26 segundo na lang sa fourth canto.

“Kumpiyansa naman ako, hindi naman ako natakot, mas takot ako ‘pag natalo kasi pagagalitan kami ni coach,” patungkol ni Ayaay sa kanyang mentor na si Topex Robinson.

Naka-trey ang Baste bago kinana ni Ayaay ang isa sa dalawang free throws nito.

Nirehistro ni CJ Perez­ ang 20 points, limang ­rebounds at tatlong assists habang may 17 markers at apat na boards si Ayaay para sa Lyceum na malinis pa rin ang karta sa tatlong laro.

“Good game sa amin ito at masaya ako dahil nakalaro ko sila,” ­patungkol naman ni Perez­ sa dati niyang team na San ­Sebastian.

Kumayod si Michael Calisaan ng 28 puntos at 12 boards pero sumapat para akbayan ang Stags sa panalo.

May 1-2 card ang San Sebastian.
Sunod na makakalaban ng LPU ang Arellano University sa Martes.

Nanaig naman sa ­unang sultada ang defending champion San Beda laban sa Emilio Aguinaldo,­ 81-69.

Tumikada si Jomari Presbitero ng career-high 16 points para sa San Beda na solo sa segundo puwesto tangan ang 3-1 record.

Nagwagi sa pangala­wang laro ang Jose Rizal University laban sa ­Letran, 65-62.

Iskor:

1st game

San Beda 81 – Presbitero 16, Tankoua 12, Bolick 10, Mocon 10, Doliguez 9, Potts 9, Oftana 6, Soberano 3, Adamos 2, Bahio 2, Tongco 2, Cabanag 0, Abuda 0, Noah 0

EAC 69 — Munsayac 21, Garcia 16, Laminou 13, Onwubere 10, Diego 4, Guzman 3, Mendoza I 2, Corilla 0, Pascua 0, Mendoza J 0, Tampoc 0
Quarterscores: 19-17, 38-32, 62-43, 81-69

2nd game

JRU 65 — Mendoza 17, Teodoro 14, Lasquety 10, David 9, Abdul Razak 5, Grospe 4, Poutouochi 4, Bordon 2, Dela Virgen 0, Castor 0

Letran 62 — Quinto 16, Nambatac 14, Calvo 11, Balanza 7, Ambohot 6, Balagasay 6, Taladua 2, Pamulaklakin 0, Vacaro 0, Bernabe 0, Gedaria 0

Quarter scores: 14-12, 28-24, 47-40, 65-62.

LPU 78 — Perez 20, Ayaay 17, Nzeusseu 10, Baltazar 7, Marcelino JC 7, Marcelino JV 6, Tansingco 5, Caduyac 4, Marata 2, Ibanez 0, Santos 0, Pretta 0

San Sebastian 73 — Calisaan 28, Bulanadi 16, David 6, Ilagan 6, Gayosa 6, Valdez 5, Navarro 3, Calma 2, Capobres 1, Baetiong 0, Costelo 0, Mercado 0, Are 0
Quarterscores: 23-17, 43-39, 63-55, 78-73.