Abante Tonite Interactive

NCAA: MAGPAPAHABA NG WIN STREAK

By
Coach Topex Robinson
10

Mga laro ngayon (FilOil Flying V Center)
12:00 noon — San Beda vs. St. Benilde (jrs)
2:00 p.m. — San Beda vs. St. Benilde (srs)
4:00 p.m. — Lyceum vs. Mapua (srs)
6:00 p.m. — Lyceum vs. Mapua (jrs)

Pahahabain ng Lyceum of the Philippines at defending champion San Beda ang kanilang winning streak sa simula ng second round elimination ng 93rd NCAA basketball tournament sa FilOil Flying V Center sa San Juan.

Winalis ng Pirates ang first round tungo sa 9-0 karta, katapat nila ang naghihingalong Mapua. Toka ng No. 2 Red Lions (8-1) ang Saint Benilde (2-7) sa unang laro.

Sa unang pagkikita ng magkapitbahay sa Intramuros, tinambakan ng Pirates ang Cardinals, 97-74 — pang-walong talo ng Mapua sa siyam na salang.

Muling sasandalan ng Lyceum ang tikas ng depensa na halos walang sagot ang ibang mga teams.

Opensa at depensa ang nakukuha ng Pirates kina Cameroonian Mike Harry Nzeusseu, CJ Perez at kambal na sina Jaycee at Jayvee Marcelino.

“We were blessed with players who embraced what is good for the team instead of their own individual selves,” wika ni Lyceum coach Topex Robinson.

Napupuwersang mag-error ang mga point guards na binabantayan ng magkapatid na Marcelino.

“The only way we could stay on top is to stay hungry and keep on improving each game because we expect the other teams to also improve,” dagdag ni Robinson.