Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NCAA may 3 manliligaw

0 72

MATAPOS mawalan ng pugad ang National Collegiate Athletic Association (NCAA), tatlong TV network ang napapabalitang gustong umampon dito.

Ayon sa report ay nanliligaw ang tatlong channel na kinabibilangan ng One Sports, CNN Philippines at GMA-7.

Magugunitang biglang na-terminate ang 10-taong kontrata ng NCAA sa ABS-CBN Sports nang tuluyan itong magsara, na dapat sana ay hanggang taong 2025 pa.

Sa ngayon ay wala pang katiyakan kung ano ang pipiliing station ng NCAA. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.