Abante Tonite Interactive

NCAA: Medina kumampay agad ng 3 gold medal

0 292

Sa pagsisid ni Chloe Medina ng tatlong gold medal, pinaramdam agad ng San Beda University ang marubdob na pakay para sa ikawalong sunod na ‘golden double’ sa men’s at women’s division ng 95th National Collegiate Athletic Association swimming championships Miyerkoles sa Sta Rosa City Multi-Purpose Complex sa Laguna.

Pakay ang record 18th consecutive crown, umalagwa ang Sea Lions ng 297.5 points, habang ang eight-peat seeking Lady Sea Lions ay sumisid ng 373 markers sa distaff side.

Pangalawa ang College of Saint Benilde sa parehong dibisyon sa nalikom na 235 at 189 points, ayon sa pagkaabanggit.

Nanguna si edina sa atake ng Beda sa paglangoy ng tatlong gold medal.

Sa huling taon niya sa Lady Sea Lions, nagtala si Medina ng two minutes at 33.65 seconds sa women’s 200-m individual medley, 31.80 secs. sa 50-m backstroke at 2:07.36 sa 200-m medley relay.

“I did not expect this win. But now that I won three golds, my next target is to win them all,” sabi ng 20-year old na target ang kabuuang anim na gold. (Aivan Denzel Episcope)