Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NCMF chief kinasuhan sa QCRTC

0 142

NAGHAIN ng reklamo sa Quezon City Regional Trial Court ang isang commissioner National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) laban kay Sec. Saidamen Pangarungan at iba dahil sa kabiguang ilabas ang kanyang “extraordinary allowance” at reimbursements.

Sa Petition for Mandamus, hiniling ni NCMF Commissioner Abubakar M. Mangelen ang pagpapatupad ng korte sa appointment ng dalawang conterminous staff ng kanyang opisina.

Inakusahan ni Mangelen si Pangarungan, Khamil Manalundong, NCMF acting chief of Finance Management Service (FMS) at Anisa Lomondot, acting cashier ng “unlawful refusal and/or delay to perform their ministerial duties” kaugnay sa pagpapalabas ng kanyang extraordinary and miscellaneous benefits para sa April, May at June 2020.

SM food to go Banner Ad

“On July 22, 2020, Petitioner wrote another memo-letter to respondent Secretary Saidamen B. Pangarungan, thru Chief Khamil Manalundong, asserting his claim. But up to present, Secretary Pangarungan, with co-respondents, have not release/pay the claims and appointment papers of my coterminous staff,” ayon sa affidavit ni Mangelen.

“By reason of the Secretary unlawful refusal and/or delay to perform his ministerial duty, plaintiff suffered damages and attorney’s fees of 100,000.00 (pesos), which should be assessed against the Respondents.” dagdag ng NCMF commissioner.

Noong August 8, 2020, pinadalhan din ni Mangelen ng memorandum si Pangarungan, upang hingin ang pagpapalabas ng Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) budget ng kanyang opisina para sa April, May at June 2020.

Leave A Reply

Your email address will not be published.