Abante Tonite Interactive

nCoV diniskaril ang Alab, Macau game

258

Naudlot ang nakatakdang home game ng San Miguel Alab Pilipinas kontra Macau sa 10th ASEAN Basketball League 2019-2020 eliminations ngayon dahil na rin sa pagkalat ng 2019 novel coronavirus o nCoV.

Bukod sa laro ng San Miguel Alab ay naurong rin ang iba pang 14 na laro ng liga upang bigyang proteksyon ang mga manlalaro sa patuloy na pagkalat nang nakakakilabot at nakamamatay na virus na galing Wuhan, China.

Bago ang suspensyon sa laro, nakatakda sanang kalabanin ng Alab ni coach Jimmy Alapag ang Macau Black Bears na gaganapin sa Sta. Rosa City Multipurpose Sports Complex sa Laguna.

Kasalukuyang ­hawak ng Alab ang 8-4 kartada sa liga na nagbibigay sa kanila sa ­ikalawang puwesto ng team standings. (Aivan ­Episcope)

Tonite – Wendys Inhouse Ad