Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NCR, 2 rehiyon pa pinakamaraming dengue

0 68

Tinukoy ng isang opisyal ng Department of Health (DOH) ang National Capiutal Region (NCR), Central Luzon at Central Visayas na may pinakamaraming naitalang kaso ng dengue.

Inihayag ito ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje sa Laging Handa public briefing kahapon kung saan nakapagtala aniya ng 2,858 kaso ng dengue sa Central Luzon habang 2,905 sa Central Visayas at 2,339 sa Metro Manila.

Sa kabuuang kaso ng dengue ay nakapagtala naman aniya ng 126 namatay o 0.6% lamang ang fatality rate.

Sinabi pa ni Cabotaje na mas mababa ng 15% ang mga naitalang kaso ng dengue ngayong taon kumpara noong 2021.

Tuloy-tuloy lang aniya ang kanilang ginagawang monitoring para agad na makagawa ng hakbang sakaling biglang sumirit ang mga kaso ng dengue sa bansa.

“Manageable ang cases. From January to April 30, 2022 ay mayroon na tayong 22,277 dengue cases. Iyong kaso ay 15% lower compared to the reported cases during the same period last year,” ani Cabotaje. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.