Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NCR, 6 pang lugar GCQ buong Pasko – Duterte

0 140

Mananatili sa general community quarantine (GCQ) ang National Capital Region (NCR) at anim pang pang lugar sa bansa mula December 1 hanggang 31.

Inihayag ito ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes ng gabi.

Bukod sa NCR o Metro Manila, kasama sa GCQ ang Batangas, Iloilo City, Tacloban City, Lanao del Sur, Iligan, at Davao City.

Isinailalim naman sa modified general community quarantine (MGCQ) ang iba pang lugar sa bansa.

“Alam mo kasi, wala talagang social distancing. `Yong iba they do not wear mask. Ayaw nila at matigas ang ulo,” sabi ng Pangulo. (Prince Golez/Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.