Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NCR 900 bagong COVID case kada araw

0 70

Tinataya umanong nasa higit 900 ang bagong COVID-19 case kada araw ang naitatala sa National Capital Region sa nakalipas na linggo.

Ayon pa sa OCTA Research Group nitong Biyernes, 50% ito na pagtaas mula sa nauna pang linggo at 119% pa sa nakalipas na dalawang linggo. Sa pinakahuling monitoring, tumaas din umano sa 1.47 ang positivity rate sa Metro Manila na umabot na sa average na 7% nitong nakalipas na linggo.

Sabi pa ng OCTA, ang Pasay City na may average na 150 bagong COVID-19 case kada araw, “This is the highest average daily new cases reported by the city in its history, even higher than what Pasay had back in July to August 2020.”

Tinukoy din ng mga eksperto ang Barangay 76 sa Pasay bilang COVID-19 hotspot nang makapagtala diumano ng 128 bagong kaso simula Pebrero 26 hanggang Marso 4.

Kabilang din umano sa nakapagtala ng pagtaas ng hawaan ang Brgy. 59, 70 at 36 sa parehong lungsod at Brgy. Baclaran at Tambo naman sa Parañaque City.

Leave A Reply

Your email address will not be published.