Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NCR alert level 1 sa Kapaskuhan delikado – UP team

0 55

Tutol ang isang grupo mula sa University of the Philippines (UP) na ibaba pa ang alert level sa National Capital Region (NCR) pagsapit ng Disyembre dahil hindi pa umano nakasisiguro ng ganap na kaligtasan laban sa COVID-19.

Sinabi ni Dr. Jomar Rabajante, tagapagsalita ng UP Pandemic Response Team, na kung maaari ay sa Enero 2022 na ibaba ang alert level dahil baka muling sumirit ang mga kaso ng COVID sanhi ng mga inaasahang aktibidad pagsapit ng holiday season.

“Ang tingin po namin dito, baka kailangang hintayin nating matapos ang holidays, baka puwedeng i-consider ito sa January kasi noong September lang tayo nagkaroon ng peak. Sana magdahan-dahan tayo kasi there are possibilities na magkaroon tayo ng superspreading events,” ani Rabajante.

Posible aniyang hindi katulad ng mataas na kaso noong Setyembre sakaling muling magkaroon ng COVID surge pero mas mainam na ligtas ang mga taga-Metro Manila.

Sinabi ni Rabajante na bagamat marami na ang nabakunahan sa NCR, hindi naman nakakasiguradong lahat ng mga pumapasok sa Metro Manila mula sa kalapit na mga lalawigan ay kumpleto na sa bakuna.

“`Pag naglabasan ang mga tao ang assumption sa alert level 1 ay mayroon tayong minimum public health standards. Ngayon pa lamang alert level 2 tayo marami tayong nakikitang lumalabas hindi sumusunod eh, kaya sana dahan-dahan ang ating pag-open up,” ayon pa kay Rabajante. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.