Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NCR balik-eskuwela guwardiyado ng PNP

0 122

Kasado na ang Philippine National Police (PNP) para sa gagawing pagbabantay kaugnay ng pagsisimula ng face-to-face class sa National Capital Region (NCR) ngayong Lunes, Disyembre 3 sa 28 public school dito.

Ayon kay PNP chief Gen. Dionardo Carlos, hindi na bago para sa kanila ang pagbabalik-eskuwela at kinakailangan na lamang nilang paalalahanan ang lahat ng kapulisan na limitahan ang pagpasok sa mga eskuwelahan maliban kung may hihingi ng security assistance.

Tiniyak ni Carlos na gagawin nila lahat para mabantayan ang kaligtasan ng mga mag-aaral gayundin ang mga school personnel.

Magbabantay aniya ang mga pulis sa labas ng mga paaralan subalit kapag humingi ng tulong sa kanila ang mga awtoridad ng isang eskuwelahan sakaling mayroong emergency ay nakahandang rumesponde ang mga tauhan ng PNP.

Leave A Reply

Your email address will not be published.